Miyerkules, Enero 24, 2007

Gitara ni Oni


maganda ang gitara ni Oni
maganda, maganda talaga
parang kwentong nakaka-aliw
o pelikulang nilikha ni Spielberg

makinang at walang gaspang
kapag nahawakan ang makinis na baywang
musika ay lalong kikinang
'pag pinatunog na ng mga daliring may alam

Miyerkules, Enero 10, 2007

Patalastas


Iyong kakambal ko, sa kagustuhang maitaguyod ang larangan ng pagkuha ng retrato, aba ay nangeengganyo ba naman na ipa-imprenta ko raw ung mga retrato ko dito. Syempre, hindi ako nagdalawang isip. Malakas s'ya sa akin eh.
Ikaw rin! Oo ikaw.
Kung meron ka man naitatagong mga retrato dyan, nung kaarawan mo o kaya pasko't bagong taon, sabihan mo lang sya at may serbisyo syang nagdedebelop ika nga ng mga piktyurs. Makakatipid ka sa gas dahil di mo na kakailanganin pang pumunta sa mall na kung san andun ung mga kalaban nyang nagdedebelop din ng retrato. Hindi ka na mapapagod kasi di ka na nga pupunta dun at maghihintay ng matagal, na kung minsan aabutin pa ng bukas at mapipilitan kang pumunta ulit sa mall. Sa paghihintay, syempre kailangan mong kumain na hindi bababa sa 100 piso ang pwede mong magastos. At kung may kasama ka, baka hindi lang iyon ang mababawas sa bulsa mo.
Maganda ang kalidad ng papel at resultang retrato. Gaya ng mga retratong naka paskil sa blog na ito!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...