Pagdiriwang para sa Kalikasan
Ito ay isa lang sa paraan ng kapulungan sa aming planta upang gunitain ang pangangalaga natin para sa kalikasan.
Nature is a huge playground for mankind. Let's do our share in keeping it clean and safe.
Halina! Bitbitin ang kamera at ating ilarawan ang buhay...
Larawan ni
Jervis
0
ang puna
Kategorya:
Kalikasan,
Patimpalak,
Studio Juan
Ang tubig ay dalisay. Puro at malinis. Ngunit lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan. Maging ang buhay ng tao, darating ang punto na ito'y tutuldukan. Sa mga susunod na henerasyong yayakap sa mundong ating ginagalawan ngayon, dalawa lang ang maari nilang kahantungan. Ipagpapatuloy nila ang buhay ng masagana o magdudusa dhail sa ating kapabayaan.
Tumingin ka sa mga larawan dito. Lumangoy ako sa tubig na nagmumula sa talong ito. Napakasarap ang pakiramdam. Malamig ang tubig na parang nanggaling sa freezer o refrigerator.
Mapalad ako dahil nasaksaksihan ko itong isa ganda ng ating likas yaman. Ngunit ako ay nababahala para sa aking mga batang pamangkin, sa magiging anak ko at mga anak rin nila sa hinaharap.
Kung ang tao ay hindi marunong magtipid ng tubig, darating ang yugto sa mundong ito na ang mga yamang tubig ay mawawala. Kung ang tao ay walang pakundangan sa pagtapon ng basura sa mga ilog, hindi malabong maglalaho rin ang gandang nakikita pa natin ngayon. Natatakot akong dumating ang araw na sa mga larawan na lamang tulad nito ito masasaksihan.
Larawan ni
Jervis
4
ang puna
Kategorya:
Laguna,
Majayjay,
Studio Juan,
Taytay Falls
Ooops! Kaibigan, nakarating ka na sa dulo. Marami ka pang makikitang mga larawan ng mga nagdaang araw. Tukuyin lang ang bahagi ng "Lumang Larawan" at masasaksihan mo ang mga ito.
Kung nagustuhan mo ang mga kwento at retrato dito, itala ang iyong email address upang agarang mabasa ang bawat retratong inilalathala ko. Mabuhay ka, kapatid!
~.~ Mula sa naglalarawan ng mga kwento sa RE:trato, Studio Juan