Martes, Abril 11, 2006

panata ng masa


ito ang panata na ilang taon ng tinatahak ng mga taong naniniwala na sa pag-sasagawa ng paghihirap ni Cristo nung bago sya ipako sa krus ng Kalbaryo, ay kahalintulad ng paghuhugas ng kani-kanilang mga kasalanan.



simula't sapul ng aking pagkabata, nasaksihan ko na ang ganitong uri ng pagninilay-nilay. mas pinahahalagahan ang paghihirap ng Diyos kaysa muli Nyang pagkabuhay. pumapasan ng mabigat pa sa timbang ng sampung tao, gumagapang sa lupa mula sa simula ng pagpepenitensya hanggang makarating ng kapilya, susugatan ang likod ng ilang beses at hahampasin ng palaspas habang naglalakad na nakatakip ang mukha, may korona sa ulo, at hubad ang itaas na parte ng katawan. ipinapakita nila sa publiko na kusang iniaalay ang sarili, sa paniniwalang patatawarin sila sa kanilang mga sala ng Poong Maykapal.

Miyerkules, Abril 5, 2006

hinulugang taktak





ang himig na nagmumula sa koro ng mga patak ng tubig mula sa talon ng antipolo, rizal ay kusang pupukaw sa atensyon ng sinumang magagawi sa lugar na ito. binansagang hinulugang taktak na ngayon ay pinaghulugan na rin ng mga walang aba, ng sukal at kalat na nagmistulang kalunus-lunos at napabayaan ng lipunan.

Martes, Abril 4, 2006

hagdan sa karunungan

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...