Sabado, Oktubre 7, 2006

Pag-iisang dibdib

Sa simbahan ng San Agustin sa San Fernando, nakuha ang mga retrato pagkatapos ng kasal ng dalawang kaibigan. Mataas ang sikat ng araw ng ito'y maganap at malapit ng isumbat ang matamis na OO nung kami ay dumating. Kapwa mga guro sa aking alma mater, ngayon nagsasama na ng masaya.

Martes, Setyembre 26, 2006

Kakaibang eksena

Pulis na medyo malaki ang tyan: Huli ka! Bakit mo ginawa yun?
Babaeng walang helmet: Mamang pulis, hulihin nyo po sya. May utang sya sa nanay ko
Akusadong kano: Hey, I'm a victim here. She just wanted a backride 'cause she threaten to kill herself if don't. I think she's a psycho.
(sabay abot ng 50 US dollars)
PNMMAT: Sa presinto ka na magpaliwa.. uyy! Ano ito? (nakangiti, nanginginig ang mga daliri habang sinasalo ang pera)
(ibabaling ang tingin sa babaeng walang helmet)
PNMMAT: Ah miss baka naman pwede nyo pagusapan ito
Unang bata: Hmmm
Pangalawang bata: Loko ung pulis ah. Hampasin ko yan ng patpat eh
Batang naka-berdeng damit: Tara sabay takbo.. hehe
Huling bata: Teka tatay ko yan eh

Sabado, Setyembre 23, 2006

Lipat bahay


Ito ay isa sa napakadaling paraan upang maghakot ng ari-arian patungo sa kung saang dako. 'Di alintana na maaaring malaglag ang sopa sa likod o harap na pwedeng idulot ng disgrasya. Subalit, bakit pa nga ba iintindihin pa yun gayung kapos sa pera upang umupa pa ng trak.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...