Huwebes, Nobyembre 2, 2006

Araw ng mga Bulaklak

Naglipana ang mga nagbebenta ng bulaklak sa bisperas ng araw ng mga yumao.
Sa tapat ng simbahan sa Sto. Rosario, syudad ng Angeles, sinakop ng mga tindera at mamimili ang kahabaan ng kalsada upang mangalakal ng makukulay na mga bulaklak.
Ito ay ihahandog sa mga nitso na matatagpuan sa La Pieta at sa sementeryo sa barangay Cutcut, upang gunitain ang mga lumisang mahal sa buhay.














Martes, Oktubre 24, 2006

Barkada Noon

Mga lumang mukha muli kong nakita
Bakas na sila'y tumatanda na
'yung isa meron na rin anak at asawa
Ang iba'y pilit pa rin nagbibinata at nagdadalaga

Kay saya kay tuwa
Sa pagkain kami ay nagsawa
Masarap kasi libre ni Bajo
Sana maulit sa susunod na magtagpo.



Sabado, Oktubre 14, 2006

Kalikasan

Kahit na mainit, retrato ay kinuhang pilit.
Ito ay kuha na aking inilahok sa isang paligsahan. May patimpalak kasi sa aking kumpanya para sa kinahihiligan kong gawin, ang kumuha ng retrato. Taunan itong ginaganap at ngayon ko lang naisipan na sumali.
Ang tema ay, syempre, tungkol sa "EMS (Environmental Management System) at ang Kalikasan"

Isa lang ang pwedeng isumite kaya dito ko na lang ipapakita yung iba pang ikinahong eksena.




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...