Martes, Abril 11, 2006

panata ng masa


ito ang panata na ilang taon ng tinatahak ng mga taong naniniwala na sa pag-sasagawa ng paghihirap ni Cristo nung bago sya ipako sa krus ng Kalbaryo, ay kahalintulad ng paghuhugas ng kani-kanilang mga kasalanan.



simula't sapul ng aking pagkabata, nasaksihan ko na ang ganitong uri ng pagninilay-nilay. mas pinahahalagahan ang paghihirap ng Diyos kaysa muli Nyang pagkabuhay. pumapasan ng mabigat pa sa timbang ng sampung tao, gumagapang sa lupa mula sa simula ng pagpepenitensya hanggang makarating ng kapilya, susugatan ang likod ng ilang beses at hahampasin ng palaspas habang naglalakad na nakatakip ang mukha, may korona sa ulo, at hubad ang itaas na parte ng katawan. ipinapakita nila sa publiko na kusang iniaalay ang sarili, sa paniniwalang patatawarin sila sa kanilang mga sala ng Poong Maykapal.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...