Huwebes, Pebrero 18

Mga Bagong Bayani



Sila ay mga bisyonaryo nangangarap ng masaganang kinabukasan. Sila ay taga-tangkilik ng pagbabago na para sa iba ay suntok sa buwan. Sila ang mga bagong bayaning magsusulong ng First World Philippines laban sa hirap at kawalang pag-asa ng marami.

Sila ang henerasyon ng mga tagapagtaguyod ng Bagong Pilipinas.

Gusto mo bang sumama?

Miyerkules, Pebrero 17

Kodakan


Tumitigil ang mundo. Sumasama sa gulo. Gulong hindi masama. Kundi kulitan at masaya.

 Halika ka na at sumama.

 Kodakan na!

Lunes, Mayo 12

Presentasyon

Show and Tell

Sa alin mang bagay, basta maganda sa presentasyon, ito ay mangingibabaw.

Nang nakaraang linggo, isang oras bago mananghalian, naantig ang damdamin ng mga manonood sa isang palabas na sa Subic karaniwan matatagpuan. Isang aeta ay kinagiliwan ng mga bakasyunista nagmula sa Maynila sa pagpapakita kung paano lumikha ng apoy, kung sakaling ang isa ay maligaw sa gubat.

Syempre hindi ko na sasabihin kung paano, ang konsepto lang naman ay pagkikiskis ng tuyong kawayan hanggang uminit at maging apoy.

Ang nakakasayang eksena lang ay makitang pagkakaroon ng komunikasyon sa pagitan ng mga karaniwan at katutubong Pilipino. Laki ako sa syudad ng Angeles at sa hindi kalayuan nito sa Zambales, marami ng pagkakataon na nakita ko sila. Madalas hindi maganda ang pakikitungo natin. Ipinagwawalang bahala at ang iba ay pinandidirihan pa.

Sa kanilang lahi makikita ang katutubong Pilipino. Kaya natutuwa ako sa ganung okasyon. Sana balang araw, maging 'malaya' rin silang namumuhay gaya natin.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...