ano sa tagalog ang salitang Chess?
alam mo ba? ako kasi hindi.
matapos ko magnilaynilay sa katanungan iyon, ipinasya kong banggitin ito sa mga kakilala ko nung isang araw. nag-txt pa nga ako sa ilang mga kaibigan. isa lang ung nagtangkang sumagot na Chessa daw ito at may kasama pang “hehehe” sa dulo ng kanyang mensahe. iyong iba ay pawang natameme o baka walang load ang selpown kaya ‘di na umimik.
siguro hindi pa nabibigyan ng pansin ng mga linguistiko at mga dalubhasa sa wikang Filipino kung ano ang katumbas ng salitang Chess sa tagalog. kasi kung meron man, dapat popular ito at madaling mahanap ang kasagutan.
teka, bakit ko nga ba itinatanong?
simple lang po ang sagot.
nadiskubre ko ulit na masaya palang maglaro ng Chess. dati nung bata ako ay pilit ko pang yayain ang aking kapatid upang maglaro. nung hirap ko na syang imbitahin ay inalok ko pa na kapag natalo nya ako, bibigyan ko sya ng 100 piso. pati kapitbahay namin, kinakalaro ko rin. iyong mga tipo na tambay lang sa kanto at iyong iba naman ay mga kilalang tumador sa amin.
kaya sa larong ito, hindi lang simpleng laro ng isip at statehiya. pwede rin pala kumuha ng obra.