sa isla ng camiguin
"ang munting paraiso"
isang isla na pinalibutan ng dagat at binalutan ng magagandang tanawin
na minsan binura sa mapa dahil sa kasaganahan ng bulkan sa paligid nito
kaya pinasya kong maligo muna sa dagat na maalat
kasama mga kaibigan
at lumusong na
hubo ang kalahati
ng katawan
sa baybayin
ng mga
lumubog na
nitso at sementeryo.
napakalawak ng dagat kung
tatanawin ng mga hubad na mata.
sariwa ang hangin
na may alat sa pandama
dulot ng asul na dagat
pilit na pinukaw
ng lente
bangka, krus at tubig
dito sa
sunken cemetery
sa bayan ng
Camiguin
"animo'y saranggola"
"may kaluluwa rin pala ang isda"
"ang lawin na mukhang agila"
sa bayan ng sto. niƱo, malamig ang bukal
masarap magbabad
sumisid sa malinaw na tubig
kumain sa ilalim ng kubo
matulog sa lilim
pagkatapos mabusog ng masarap
na ulam na niluto sa gata
talon ng katibawasan
pinakamahaba marahil na talon dito
naging makitid ang kakayanan ng
aking kamera, kaya niyakap ko na lamang
ang lamig na dulot nito
ito ang aking bersyon ng pagsalubong sa magandang umaga sa isla na naligaw sa laot ng Camiguin
at eto naman si pizza =)
at ang eskwelahan sa cagayan de oro
na aming nadaanan
bago bumalik sa bayan na
pinang-galingan.