Biyernes, Setyembre 7, 2007
Lunes, Setyembre 3, 2007
Dalisay
Ang tubig ay dalisay. Puro at malinis. Ngunit lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan. Maging ang buhay ng tao, darating ang punto na ito'y tutuldukan. Sa mga susunod na henerasyong yayakap sa mundong ating ginagalawan ngayon, dalawa lang ang maari nilang kahantungan. Ipagpapatuloy nila ang buhay ng masagana o magdudusa dhail sa ating kapabayaan.
Tumingin ka sa mga larawan dito. Lumangoy ako sa tubig na nagmumula sa talong ito. Napakasarap ang pakiramdam. Malamig ang tubig na parang nanggaling sa freezer o refrigerator.
Mapalad ako dahil nasaksaksihan ko itong isa ganda ng ating likas yaman. Ngunit ako ay nababahala para sa aking mga batang pamangkin, sa magiging anak ko at mga anak rin nila sa hinaharap.
Kung ang tao ay hindi marunong magtipid ng tubig, darating ang yugto sa mundong ito na ang mga yamang tubig ay mawawala. Kung ang tao ay walang pakundangan sa pagtapon ng basura sa mga ilog, hindi malabong maglalaho rin ang gandang nakikita pa natin ngayon. Natatakot akong dumating ang araw na sa mga larawan na lamang tulad nito ito masasaksihan.
Larawan ni Jervis 4 ang puna Kategorya: Laguna, Majayjay, Studio Juan, Taytay Falls