Miyerkules, Hulyo 12, 2006

sa isla ng camiguin


"ang munting paraiso"
isang isla na pinalibutan ng dagat at binalutan ng magagandang tanawin


na minsan binura sa mapa dahil sa kasaganahan ng bulkan sa paligid nito

kaya pinasya kong maligo muna sa dagat na maalat
kasama mga kaibigan
at lumusong na
hubo ang kalahati
ng katawan
sa baybayin
ng mga
lumubog na
nitso at sementeryo.
napakalawak ng dagat kung
tatanawin ng mga hubad na mata.
sariwa ang hangin
na may alat sa pandama
dulot ng asul na dagat

pilit na pinukaw
ng lente
bangka, krus at tubig
dito sa
sunken cemetery
sa bayan ng
Camiguin

















"animo'y saranggola"

"may kaluluwa rin pala ang isda"

"ang lawin na mukhang agila"


sa bayan ng sto. niƱo, malamig ang bukal
masarap magbabad
sumisid sa malinaw na tubig
kumain sa ilalim ng kubo
matulog sa lilim
pagkatapos mabusog ng masarap
na ulam na niluto sa gata



talon ng katibawasan
pinakamahaba marahil na talon dito

naging makitid ang kakayanan ng
aking kamera, kaya niyakap ko na lamang
ang lamig na dulot nito

"patungo sa puting isla"

ang mga sumusunod ay mga larawan na nahagilap pagkatapos pumalaot na hindi pa nasisilayan ang araw. sa munting isla na napawalay sa Camiguin ay may mga larawan na nais patunayan ang kanyang angking kagandahan



"bukang liwayway"
ito ang aking bersyon ng pagsalubong sa magandang umaga sa isla na naligaw sa laot ng Camiguin














at eto naman si pizza =)











at ang eskwelahan sa cagayan de oro
na aming nadaanan
bago bumalik sa bayan na
pinang-galingan.

2 komento:

weirdlightning ayon kay ...

galing ng mga pics... parang pro...

nice work jervs!

>>Jervis ayon kay ...

kups! mabuhay ka :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...