Biyernes, Agosto 17, 2007

Si Edong

Ay isang kaibigan na:

Mapagbigay sa kapwa, kaibigan, at ka-opisana. Hindi ko masukat ang pagmamahal nya sa pamilya at dahil wagas ito sa kanya, na parang daloy ng tubig sa talon, naibabahagi nya rin ito maging sa ibang tao.

Malapit sa puso ng kanyang mga kaibigan. Sa panahong nakasama ko s'ya at naging ka-partner sa pagkumpuni ng hard disk, hinangaan ko ang kanyang pagiging close sa mga tao. Lalo na sa mga dati nyang nakatrabaho. Kadalasan may lalapit na lang sa kanyang mesa, magha-hi, mangungumusta, at sa aking pagmasid ko naramdaman ko rin minsan ang saya ng kanilang pagiging magkaibigan sa pamamagitan ng kanilang mga abot-tengang ngiti.


Hindi nang-iiwan at lagi kang susuportahan. Kapag pagod ka nang mag-organisa ng kasayahan tulad ng Christmas party, andyan lang s'ya sa likod mo, sasaluhin ka kapag di mo na kaya. Pero bukod dun, siya ay matalino, magaling magisip, 'di ko matalo sa ahedres, at laging may baong biskwit.

Aba! Eh syempre, guwapo!

Natural na komedyante at sigurado akong laging masaya ang oras mo sa tuwing kasama mo s'ya. Nakakalungkot lang isipin dahil dumating na ang takdang araw na huli ko na s'yang makikita bilang kapwa manggagawa ng hitachi.

Higit sa lahat, isang natatanging kwentista at manunulat. Kaya ang bilin ko sa kanya, na i-libre na yung kopya ko ng mga librong ilalathala nya pagdating ng panahon.

Maraming salamat, kuya Edong, Sa tuwa, ligaya, lungkot, trabaho, panahon na ating pinagsamahan! Pinagsamahang gaya ng sabi mo, na parang Erik Morales at Manny Pacquiao. Palakang katulad Manny!

Hanggang sa muli!

3 komento:

Daguldol Tarakatac III ayon kay ...

napadalo lang po at humahanga sa husay nng iyong kakayanang manulat ng tungkol sa buhay ...
Harinawa'y walang sawa at walang kupas ang hilig mong magsulat tungkol sa madaming kalagayang pinagdadaanan sa buhay ...

Edong ayon kay ...

wow... ibang klase...

habang binabasa ko to, hindi ako makapaniwala sa dami ng papuri na nabasa ko... sobra sobra umaapaw, salamat ng todo...

hindi ko maisip kung saan mo pinagkukuha ang pictures ko... hehehe, pinipilit kong hindi ipakita hitsura ko sa bawat post ko pero ginulat mo ko... hahaha

pinigil kong umiyak sa oras ng aking pamamaalam ngunit sa loob ng bus tuluyan na itong umagos kasabay ng buhos ng ulan... tila nakikiramay sa akin.

salamat sa lahat sir... isa ka sa hindi ko makakalimutan sa mga naging kaibigan ko sa hicap...

hanggang sa muling pagkikita natin sa blog... mabuhay ka kaibigan...

DatuPanot ayon kay ...

jervis,

lubos kang mapalad na pinagkalooban ka na may kaibigan tulad ni edong.

dp

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...