Martes, Agosto 7, 2007

Tumbero

DSC_0202

Hindi ko ipagkakaila, isa akong manginginom.

Tandang tanda ko pa yung gabing iyon. Nasa ikatlong taon ako ng kolehiyo noong natutunan kong makipag-halikan kay manong Budweiser sa Margarita's Station. Kasama ko ang isang kaibigan na miyembro rin sa pahayagang pangkampus na aking sinalihan noong nagaaral pa ako. Ang buong akala ko, eh, magbibilyar lang kami. Pagkatapos ng ilang pagkatalo, ayun, lagi akong naiwan mag-isa sa mesa dahil hasler pala itong kaibigan ko, pagdating sa larong pinaghaharian ni Efren " Bata" Reyes.

Ang patakaran kasi sa paglalaro sa loob ng bar ay ang talunan ang magbabayad ng mesa. Yung mananalo ay maiiwan at kakalabanan ang nakasunod sa pila. Mapapalitan lang ang manlalaro kung ito ay tatalunin ng susunod na kalaban. Matagal-tagal bago nakatapat ng magaling itong kaibigan ko at umupo na s'ya. Ngunit, hilo na ako sa dalawang bote at inaya ko na syang umuwi.

DSC_0215

Doon na nagsimula ang pagkatuto ko sa pag-iinom. Minsan napapadalas. Minsan hindi rin. Kadalasan nakadepende kung sino ang manlilibre.

Ilan sa hindi ko malilimutan na pagsasalu-salo naming magbabarkada na kasama ang beer ay yung inaabot na kami ng umaga, nagkukwentuhan lang. 'Pag walang pagsusulit sa eskwela at medyo libre ng kaunti, pagkatapos ng huling aralin ay dumederetso na sa bilyaran. T'yak, may kasamang beer yun.

DSC_0206

Noong minsan naglalakad kami sa isang parke sa Angeles, inikot namin ito sa paghahanap ng mapagtatambayan. Nung napagod na ang tropa, sa simpleng tindahan na lang ipinarada ang mabibigat na pwet at daliang umorder ng tigi-tigisang bote ng light beer. Doon ako nakasaksi na naging tubig ang beer.

Lahat ng bagay ay may katapusan. At sa ilang taong din pagsasama naming magkakaibigan, masasabi kong naging masayang paraan din ang pagiinom sa lalong pagtitibay ng aming tropa. Ngayon, ang bawat isa ay may kani-kaniyang mga trabaho at malayo na sa isa't isa. Nagkikita pa rin kami, nagkwe-kwentuhan, subalit, napakadalang ang pagkakataon 'andyan ang mesa kung saan nakalatag ang bote ng malamig na beer.


4 (na) komento:

Senor Enrique ayon kay ...

Ang gaganda naman ng mga larawan mo, Jervis. Ang nasa una ang aking paborito. Astig!

Jervis ayon kay ...

Uy, SeƱor Enrique. maraming samalat po sa pagdalaw sa aking munting espasyo! Mabuhay po kayo! :)

athos11 ayon kay ...

ganda naman.... :)

Jervis ayon kay ...

salamat kaibigan athos11! balik po kayo sa susunod :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...