Huwebes, Abril 10, 2008

Tatlung Sulok at Ang Mukha

Triangle (Tatsulok)

Sa pagnanais na makatagpo ng paksang magpapahiwatig ng tatsulok, panay buntong hininga lang ang naging kinahinatnan ng aking pagsasaliksik sa munting espasyo ko dito sa inuupang bahay. Wala. Puro mga kuwadrado at bilog at mga iregular na hugis lang ang makikita.

Kaya napaupo na lang ako sa silya kong kahoy at nagisip. Ang aking kaliwang kamay ay tangan ang aking baba samantalang nakaposisyon naman ang kanan hawak ang kaliwang siko. Tsaka biglang bumulagta sa akin ang isang ideya.

Bakit hindi ko na lang itatsulok ang mukha sa pamamagitan ng aking kamay. At eto ang naging resulta. Ikinabit ko sa tripod ang kamera at nagbakasaling makakuha ng magandang angulo gamit ang remote controller. Maraming nasayang na film baterya, at sa dami na ng pindot ang nagawa ko, wala pa rin maayos na kinalabasan. Subalit, sadyang may pasensya ang inyong aba. At sinubukan pilit makalikha ng kaaya-ayang larawan swak sa inyong panlasa.

Sana po ay maibigan nyo.


13 komento:

Buge ayon kay ...

Magaling ang naisip mong tatsulok at buti ay nakuhanan mo ang sarili mo. Hindi ko naisip yan! Haha!

thesserie ayon kay ...

2 batang cute nakita ko sa mga akda ang gumawa nito...

pangatlo ka at pinaka bata sa lahat *lol*

at pwede kang modelo ng toothpaste! maganda smile mo sa likod eh.

sardonic nell ayon kay ...

sabi nga nila, necessity is mother of all inventions. dba? great photo ;)

Dyes ayon kay ...

hmmm... ang tatsulok ba ay ang iyong mga kamay o ang iyong ilong? hehehe

komski kuno ayon kay ...

Hehehe, parang ang brutal nga ng ginawa mo:) Buti naman at nakatsempo ka ng maganda:D

leapsphotoalbum ayon kay ...

if there's a will, there's a way. agree ako kay thesserie, pang commecial ang dating nitong entry mo.

iRonnie ayon kay ...

naku mahirap talaga kuhanan ang sarili. tagumpay ka brader!

mousey ayon kay ...

kakaiba sa lahat ang tatsulok mo.

maligayang araw sa iyo.

Lizeth ayon kay ...

hahaha :) pinakabata ka nga :)
happy weekend!

cathy ayon kay ...

napakaorihinal na ideya! (pangatlo ka na pala, ayon sa mga komento)... sabagay, hindi naman maipagkakailang maganda ang iyong ngiti!

hanggang sa susunod na huwebes!

Munchkin Mommy ayon kay ...

mabuhay, studio juan! ipagpaumanhin mo at ngayon ko lang naibalik ang iyong pagdalaw sa aking tatsulok entry. :) ako rin ay nakakita ng mga lahok na mga bata ang gumawa ng tatsulok sa kanilang kamay. idadagdag na kita sa listahan. hahaha!

meeya ayon kay ...

orihinal ka pa rin kasi ikaw mismo ang model at hindi ang anak mo. :D

nice one! :)

MyMemes: LP Tatsulok
MyFinds: LP Tatsulok

Kaje ayon kay ...

mahirap talaga isipan ang tema ngayong linggo, buti't nakasali ka pa rin :) hanggang sa susunot na huwebes!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...