Sabado, Agosto 29, 2015

Ensaladang Mangga

Ang ensaladang mangga ay sadyang napakasarap na pagkaing pinoy.

Gawa ito sa pinaghalong sariwang mangga, sibuyas, kamatis at bagoong.

Ang pinakagusto ko sa ensaladang mangga ay hindi na ito kailangan pang lutuin. Ang kailangan lang ay masipag kang maghiwa ng sangkap at paghaluin ito ng may halong inspirasyon.

Tingnan mo itong mga larawan na ito. Hindi ka ba natatakam?

Halina at kumain tayo. Sarap!

Lunes, Agosto 17, 2015

Ano ang Tagalog ng Calculator?




Mga ilang taon na rin ang nakalipas ng madiskubre ko na ang salitang "keyboard" (yung ginagamit mo habang nasa harap ka ng computer upang magsulat) ay may katumbas na sa salitang espanyol.

Ito ay "teklado"

Nakakatuwa lang isipin. Meron din kaya itong salitang tagalog? Parang wala 'no?

Subalit sa aking pagsasaliksik sa pamamagitan ng google - teklado din pala ang isa sa tagalog na salita nito.

Marahil kasi di ba marami sa mga salita natin pinagmulan ay sa mga kastila. Nahubog na lang at ginawang atin

Minsan kung tawagin din at tipaan o tipahaan. 

Subalit wala naman nagsasabi ng teklado. Madalas, keyboard pa rin ang salitang gamit.

Kalkulador

Dito nahirapan ako, at sa pagsasaliksik ko eh parang ayaw kong maniwala.

Ang minumungkajing tagalog na salita ng calculator ay ang mgga sumusunod:

Talapindutan
Talatuusan
Talanumerohan
Kalkulang suma suma
Kalkulador

Ano sa tingin nyo?


Traffic Sa Edsa

Edsa Guadalupe - August 15, 2015, 11:17AM

EDSA - marahil isa na itong imprastraktyura sa atin na hindi lang daanan ng mga sasakyan, bagkus ay saksi at bahagi na ng ating kasaysayan. (Naaalala mo ba ang EDSA People Power?)

Kung noon, naging bahagi ito sa pagbukas ng bagong yugto sa ating pamahalaan.
Ngayon naman, ayaw mong maipit dito sa trapik.

Dahil ang dating 30 minutos na byahe ngayon ay madalas umaabot ng dalawang oras, o higit pa!
Kung ikaw ay may sasakyan, hehe, ihanda ang mo iyong pitaka, dahil sigurado ubos ang iyong kwarta sa gasolina.

Bakit nga ba napaka-trapik?

Ay naku! Napakaraming dahilan. 

At hayaan nyo ako magbigay ng ilang kuru-kuro sa usaping ito

Una. Hindi pagsunod sa batas. 

Isa tayong bansa na marami sa atin ay ayaw sumonod sa batas at ayaw din magpasakop sa gubyerno. Halimbawa. Sa kanto na may traffic light, hindi ba kapag pula ang ilaw, e dapat hihinto? Nakakalungkot man, pero marami sa ating mga kababayang motorista ang sumusuway dito. Lalo na kung walang nakabantay na pulis trapiko.

Pag dating sa EDSA, pansinin mo sa susunod na dadaan ka dito. May makikita kang yellow line. Ito ay nagsisilbing paghahati sa pribado at publikong sasakyan. Mananatili sa kaliwa ang mga pribado at sa kanan naman ang mga pampublikong sasakyan gaya ng mga bus. Tama ka sa iniisip mo. Sinusuway din ito, lalo na ng mga malalaking bus.

Bukas ko na isusulat yung mga iba pang mga dahilan kung bakit ang EDSA ay nagiging isang malaking parking lot. Balik ka dito okay?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...