Maynila
'Di ko naranasan lumaki sa lungsod ng Maynila.
Tumira ako noon sa isang paupahang bahay sa Sampaloc. Malapit ito sa UST at noo'y naghahanda ako para sa pagsusulit ng PRC sa mga nagnanais makakuha ng lisensyang pang-inhinyero. Pero limang buwan lang ang inilagi ko doon. Kadalasan umuuwi ko sa amin pagdating ng biyernes at balik ko na ay lunes. Bukod sa ilang beses na paglakad sa baha, masasarap na pagkaing kalye at magagandang estudyante dumaraan araw araw sa parteng ito ng U-Belt, napagtanto ko na malaking pagkakaiba rin ang marahil na kakagisnan ko kung sakaling sa syudad ako lumaki at nagkaisip.
Ito ay kinunan ko habang naghihintay sa pagdating ng susunod na tren ng LRT sa istasyon ng Carriedo noong nakaraang linggo. At tumambad sa akin ay isang retrato na animo'y naglalarawan sa hitsura ng Maynila mga ilang dekada na ang lumipas.
2 komento:
aliw na aliw ako sa mga larawan mong kinuha, lalung-lao na sa kinuha mong larawan ng plaza lacson. kung hindi dun sa mga suot ng mga tao eh maaaring mapagkamalang kinuha ang larawan noong dekada '60.
ipagbunyi ka katoto!
Salamat kaibigang daniel palma tayona. Natutuwa ako at may naaaliw na mambabasa sa mga munting larawang ito, gaya mo.
Balik po kayo sa susunod Ü
Mag-post ng isang Komento