Huwebes, Abril 3, 2008

Kabilugan ng Buwan

Maglalathala sana ako ng retrato ng mga barya, sapagkat ito'y pisikal na halimbawa ng bilog, para sa lingguhang showcase ng mga retratong likha ng ..::ehem::.. sino pa eh 'di mga Pinoy! Subalit may nauna na pala sa akin, si kapatid na iRonnie kaya naisip kong baguhin na lang ang aking ilalahok. Naghalungkat ako sa baul ng aking mga nakuhanang retrato sapagkat mauubos na ang oras ng Huwebes, hindi na ako makakapagpiktyur pa at malamang hindi ko maipasok itong lathalaing kong ito. Sa tuwing huwebes po kasi lumalabas ang mga naggagandahang retrato sa Litratong Pinoy. Sa katunayan, ngayon ika-3 ng Abril ang simula ng adhikaing ito.

Sa aking paghahanap, wala ng ibang mas angkop pa kundi ang larawan ko ng buwan nung mahal na araw. Ayan sya. Bilog na bilog. Gamit ang aking manuwal at matanda-pa-sa-akin lente, sinikap kong makuhanan sya ng naka-hawak kamay lamang at hindi ginamitan ng tripod.

The White Ball

Napakabilog at napakaganda ng buwan sa retratong ito (sa tingin ko ha hehehe). Sumilip ako sa bintana kanina bago ko isulat ito, at ni balangkas ng katabing bahay ay 'di ko maaninag sa sobrang dilim. Nagtatago na kasi ang buwan. Wala na sya at marahil nasa kabilang parte ng daigdig, at doon nagbibigay ng liwanag sa dilim.

Nakakatuwang basahin ang iba't ibang retratong ipinakita ng kapwa ko retratista sa Litratong Pinoy. Subalit maliit pa lang -- kung tutuusin -- ang bilang namin, masayang isipin na ito ay simula ng pagbabahaginan namin sa isa't isa ng ideya, konsepto, kaisipan, at higit sa lahat, pagkakaibigan.

10 komento:

Noel Cabacungan ayon kay ...

ang galing, may ganitong picture din si thesserie dati at akala ko e mga planetarium lang ang pwede makakuha ng ganyang klase moon close up.

ang gagaling nyo. sige ilampaso nyo ang entry ko. hahaha ;-)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

hello. bloghop mula sa LP.

ganda ng buwan..bilog na bilog ang hugis. kaka relax. :)

happy LP

jeanny

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Wow! ito ang tipo ng shot ang gusto ko =) I really am fascinated with d' moon, good shot!

Mabuhay ka!

Ginoong KotsengKuba, darating din ang panahon na makukunan mo ng close up ang buwan :)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

"Napakabilog at napakaganda ng buwan sa retratong ito (sa tingin ko ha hehehe)."

huwag kang mag-alala, sa tingin ko rin ay napakaganda ng litratong ito. nakakabighani! :)

maligayang huwebes! hanggang sa muli. :)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

"Sumilip ako sa bintana kanina bago ko isulat ito, at ni balangkas ng katabing bahay ay 'di ko maaninag sa sobrang dilim. Nagtatago na kasi ang buwan. Wala na sya at marahil nasa kabilang parte ng daigdig, at doon nagbibigay ng liwanag sa dilim."

bukod sa napakaganda ng larawang iyong nilahok para sa litratong pinoy, pati naman ang mga katagang iyong naisulat ay sadyang napakaganda rin. makatang-makata ang dating! :D mabuhay!

Munchkin Mommy
Mapped Memories

Lizeth ayon kay ...

ang galing!! paano ito?!!? :(

nakakatuwang tingnan ang buwan..napakaganda!

arvin ayon kay ...

Gusto ko rin ng buwan, lalo na kung la masyadong ulap, maliwanag 'tas black yung background:D Mgandang litrato.

Ronnie ayon kay ...

sana tinuloy mo yung coins para 3 tayo. hehe. kakainggit naman, di ko makuhanan ang buwan ng ganyan kalapit. happy weekend!

Hikikomori ayon kay ...

wow..ang galing..

Tes Tirol ayon kay ...

ang ganda naman ng buwan! pangarap ko ding makakuha ng ganyan... :)

teys

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...